Never date a girl who rides the bus. Siya ‘yung taong naghihintay sa bus stop promptly, pero kapag siya ay nainip na ay iiwan ka.

Siya ‘yung taong kapag nakakita ng maluwag na bus, magmamadali siyang tumakbo papalapit, at masayang sasakay na para bang hindi siya naghintay.

Siya ‘yung tipong kaya maghintay ng matagal, lalo na kung punuan ang mga bus na dumadaan. Minsan, kahit masikip na, sasabit siya.

Pero mas madalas, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya at maghihintay siya ng iba.

‘Wag na wag kang magkakamaling magmahal ng babaeng palaging sumasakay ng bus. Kaya niya protektahan ang sarili niya. Sasapakin ka niya kapag binastos mo siya.

Sisigawan ka niya kapag nasaktan siya. Hindi niya hihilingin na paupuin mo siya. Pero titingnan ka niya ng masama hanggang sa mamatay ka sa hiya.

At kapag nakita niyang nangloko ka, nandaya ka, nambastos ka, nanakit ka. Humanda ka. Hindi mo alam kung anong magagawa niya.

Kaya kung ako sa’yo, kung hahanap ka ng mamahalin, ‘wag yung babaeng sanay makipagbalyahan sa bus. Hindi mo siya kayang bastusin, hindi mo siya pwedeng lokohin. Hindi mo siya kayang saktan.

Dahil sa araw-araw at gabi-gabing sumasakay siya ng bus, alam niya.

Alam niya na minsan masikip, minsan siksikan, minsan mabaho, minsan mahirap, minsan masakit, minsan wala. Minsan walang bus at wala siyang ibang magagawa kundi sumakay sa iba.

Para lang makauwi. Para lang makahinga. Para lang makapagpahinga.

Kasi ang pagsakay ng bus ay hindi biro. Hindi ito laging madali. Hindi ito laging masaya. Pero hindi rin naman laging mahirap. Hindi rin laging malungkot.

Minsan, makakatiyempo ka ng bus na walang laman. ‘Yung ang dami mo pang pagpipiliang upuan. ‘Pag sinwerte ay pwede ka pang mamili kung aisle o window seat. Pwede mo pa i-adjust ang air-con kung masyadong malamig.

Minsan, makakatiyempo ka ng bus na bago. ‘Yung kakabiyahe lang ng driver. ‘Yung hindi pa mainit ang ulo ng konduktor. ‘Yung wala pang vandal yung mga upuan. ‘Yung may magandang pelikula pang pinapalabas sa TV. ‘Yung may nagbebenta ng mais o ‘di kaya chichirya. Minsan, may ganun.

Pero sinasabi ko sa’yo, kung pipili ka nalang ng mamahalin, ‘wag kang magmamahal ng babaeng bus ang sinasakyan papuntang opisina at pauwi.

Kasi alam niya. Alam na alam niya.

Kung kailan pwede pang sumabit,

At kung kailan masikip na.

Screenshot_2017-03-07-20-51-17.png

Mabuhay ang mga kababaihan.

J.S.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s