PAANO SUMAKAY NG MRT (with feelings):

Ang pagsakay ng MRT ay parang pag-ibig na hindi masuklian: nakakainip, nakakapagod, nakakabaliw. (c) judymariesantiago.wordpress.com
Ang pagsakay ng MRT ay parang pag-ibig na hindi masuklian: nakakainip, nakakapagod, nakakabaliw. (c) judymariesantiago.wordpress.com

1. Gumising ng maaga. Sundin ang tunog ng alarm clock. ‘Wag ka makikinig sa puso mo, masasaktan ka lang.

2. Isipin kung saan ka pupunta. Isang destinasyon lang. Pumili ka ng isa lang. Parang nung pinapili kita kung yung mahal mo o yung mahal ka.

3. Pumila. Maghintay ka. ‘Wag kang magmadali kung hindi ibigay sayo agad. ‘Wag ka din sana magsawa kung ibinigay ko na yung lahat, tapos kulang pa rin.

4. Bumili ng ticket. Pwedeng single journey or stored value, para mas sulit. Gaya ng pagsulit mo sa mga pa-load, regalo, libreng dinner, at pagmamahal ko sayo. Tapos iiwan mo rin pala ako.

5. Ipasok ang ticket sa aisle. Makikita mo sa ticket kung paanong direksyon mo ipapasok ang ticket. Hindi katulad ng relasyon natin, hindi ko alam kung saan tayo patungo.

6. Humandang sumakay ng tren. Pumila ulit. ‘Wag kang manulak at wag kang maningit. ‘Wag mo ipagpilitan ang sarili mo kung masikip na. May iba pa namang treng paparating.

7. Aliwin ang sarili, mahaba ang biyahe. Magaling ka naman diyan diba? Tapos hindi ka man lang magtetext kung nasaan ka at kung uuwi ka pa ba.

8. Maging aware kung bababa ka na. Hindi ‘yung kung kelan nakalampas ka na, kung kelan wala na, kung kelan iniwan ka na, tsaka ka manghihinayang. Tapos hahabol-habol ka pa. ‘Wag ganun, bhe. ‘Wag ganun.

9. Bumaba ka na. Bumaba ka nalang, please. Pagod. Na pagod. Na. Ako.

(This is fiction. Inspired by other ‘with feelings’ posts. Hihi)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s